Pormal na nanumpa sa katungkulan ang mga opisyales ng Municipal Federated Parent-Teacher Association (MFPTA) ngayong ika-14 ng Agosto 2026. Ginanap ito sa bulwagang tanggapan ng Alkalde sa gusaling Jacinto Mendoza.
Pinangunahan ito ng halal na pangulo na si G. Jaypee Yago ng Pamiga Elementary School at ni Dr. Maria Melissa Ariola, Pampurok na Tagamasid.
Si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang nangasiwa sa panunumpa, na tinunghayan nina Vice Mayor Atty. Remjelljan Humarang at Konsehal Jeffrey Hilario, na siyang pinuno ng komite sa edukasyon.
Ang mga nasabing opisyal ang magiging katuwang ng ating mga pampublikong paaralan sa pagpapaganap ng mga adhikaing isinusulong katulad ng mataas na kalidad ng pagkatuto, kaligtasan at higit na kaunlaran ng mga mag-aaral na Agoncillians.
0 Comments