LIBRENG KONSULTA SA MATA AT MURANG PAGAWAAN NG SALAMIN PARA SA MGA AGONCILLIANS 🇵🇭✨

 

Sa darating na Agosto 15 at 17, 2026, ganap na ika-8:00 ng umaga ay magaganap sa ating V. Maligalig Hallway (SB BUILDING) ang inaabangan ng ating mga kababayan na Libreng Konsulta sa Mata at Murang pagawaan ng salamin.


Hatid ng Malinaw Optical Clinic at sa kanilang pakikipagtulungan sa ating Lokal na Pamahalaan, mas pinalalapit natin ang Serbisyo sa ating mga kababayan.


Kung kayo ay isa rin sa naghahanap ng murang pagawaan ng salamin na makukuha sa parehong araw, ito na ang pagkakataon ninyo.


Gawing maliwanag ang buhay, punta na sa ating LIBRENG KONSULTA SA MATA!


#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments