BUWANANG PAGPUPULONG NG LOCAL SCHOOL BOARD, GINANAP

 

Ngayong araw, ginanap ang pagpupulong ng Local School Board (LSB) para sa buwan ng Agosto, sa tanggapan ng punongbayan.

Kasama sa mahalagang pagpupulong ang pagiisa-isa ng mga Inhinyero ng lokal na pamahalaan, sa pangunguna ng pansamantalang pambayang inhinyenro, Engr. Lorie Digna Garcia, ang isinagawang magkasanib na inspeksyon ng LGU at DPWH sa mga pampublikong paaralan noong nagdaang araw.

Ito ay naglalayon na rin na matulungan ang mga paaralan at ang lokal na pamahalaan na ayusin at pagplanuhan nang maayos ang mga kailangang pagawain upang maisama sa balangkas ng 2027 badyet at maihanap ng pondo kung kinakailangan. 

Idinulog na rin sa pagpupulong ang planong mga pagbabago sa gagawing Agoncillo Sports Complex, bilang ang Deped Smart Agoncillo Sub-Office ang isa sa pangunahing gagamit ng nasabing pasilidad. 

Post a Comment

0 Comments