Patuloy ang paghahatid ng serbisyo publiko na mas malapit, mabilis, at abot-kamay para sa ating mga kababayan. Matagumpay na naisagawa kahapon ang Mobile CRS at National ID Verification and Registration ng Philippine Statistics Authority, katuwang ang Tanggapan ng Local Civil Registrar ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo.
Sa pamamagitan ng serbisyong ito, nabigyan ng pagkakataon ang ating mga kababayan na maisagawa ang mahahalagang transaksyon at makakuha ng kinakailangang serbisyo nang hindi na kinakailangang bumiyahe pa sa malalayong tanggapan.
Panata natin na dine sa Magandang Agoncillo, Serbisyo ang inilalapit, para sa bawat pamilyang Agoncillian. Kaya naman, ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa iba't ibang ahensya upang maihatid ang mga serbisyong tunay na kapaki-pakinabang at tumutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan.
Ayon sa ulat ni Bb. Karen Olvina, 140 na Kliyente ang nakapag-ayos sa Mobile CRS at 231 na dokumento ang naitalang nai-request sa tanggapan. Samantala, 44 na registration naman ang mayroon sa PhilSys at 85 naman ang naiulat na nabigyan ng EPhil ID.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments