Patuloy ang pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na mamuhunan sa kaalaman, kasanayan, at kakayahan ng ating mga kawani upang higit pang mapahusay ang paghahatid ng serbisyo publiko at kanilang mga sarili.
Kahapon, Agosto 26, 2026, matagumpay na isinagawa ang paglagda ng kasunduan para sa 37-araw na pagsasanay sa Shielded Metal Arc Welding (SMAW) para sa dalawang kawani ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo.
Ang programang ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng pagtutulungan at suporta ng TESDA, ALAY Lakad Foundation – Agoncillo Chapter, at ng ating PESO Manager, Ma’am Mercy Punzalan.
Layunin nitong mabigyan ang ating mga kawani ng karagdagang technical skills at praktikal na kaalaman na maaari nilang magamit sa kanilang trabaho at maging bahagi ng kanilang patuloy na personal at propesyunal na pag-unlad.
Sa pangunguna ng ating Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pagsusulong ng mga programang nagbibigay-halaga sa ating mga kawani, sapagkat ang pag-unlad ng kanilang kakayahan ay pag-unlad din ng serbisyong hatid natin sa bawat Agoncillian.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments