Isang hakbang upang siguruhin na nakamit ang layunin ng mga programang ipinatupad, suriin ang mga naging hamon at siguruhin ang mas maayos na mga pagpapatupad sa mga susunod na panahon, isinagawa ngayong araw Agosto 26, 2026 sa Bulwagang Jacinto Mendoza ang ebalwasyon para sa mga gawain noong Linggo ng Kabataan.
Kasama ng Tagapangulo ng SK Municipal Federation ng Agoncillo, Kgg. John Mark Hernandez (Barigon) ang masisipag na Puno ng Sangguniang Kabataan na sina John Rael Caringal (San Teodoro), Roy Lawrence Atole (Guitna), Khristofer Pelagio (Bagong Sikat), Joemarie Sangalang (Adia), Ivan Emmanuel Buño (Pook), Jayven Joseph Bermejo (Banyaga), Charles Baldwin Medina (Pansipit) at Shaine Allysa Khate De Villa (Balangon).
Dumalo rin ang Deputy COP Police Lieutenant Gilbert De Leon (PNP), SF01 Joanne Bantogon (BFP), Krissel Caringal (RHU), Junfrance De Villa (MDRRMO), Maria Samantha Vergara (LYDO), at nagbigay ng kanilang mga komento at mungkahi para sa lalong ikabubuti ng mga gawain.
Sa kabuuan ay maayos ang mga naisakatuparang proyekto at mga gawain katulad ng LTO Caravan kung saan humigit kumulang 500 ang nakinabang, Job Fair na may 20 ang nagkaroon ng trabaho, Dental Mission na may halos 100 na nagbenepisyo, Clean Up na pinagtulungan ng maraming kabataan, at iba pa.
Sa huli ay muling ipinaalala ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes na ang mahusay na lider ang siyang unang sumusunod sa mga alituntunin.
Kaya kudos sa ating mga Sanguniang Kabataan! Sana ay ipagpatuloy ninyo ang magandang nasimulan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments