PAG-ASA AT PAGMAMAHAL | Mayor Reyes, Dumalaw sa Regional Haven for Women and Girls Bilang Bahagi ng Programa ng PWCC 🇵🇭✨



 Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng malasakit at pangangalaga sa mga kababaihan at kabataan, bumisita ang ating Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang Provincial Women Coordinating Council Batangas Inc., sa Regional Haven for Women and Girls. 


Sa nasabing pagbisita ay naghatid ng mga donasyon ang samahan ng PWCC bilang suporta sa mga kababaihan at batang babae na pansamantalang naninirahan sa pasilidad.


Ang Regional Haven for Women and Girls ay nagsisilbing pansamantalang tahanan na nagbibigay ng 24-oras na pangangalaga, proteksyon, at alternatibong pamilya sa mga kababaihan at batang babaeng nakaranas ng pang-aabuso at iba pang suliranin, kabilang ang kanilang mga kwalipikadong dependente, habang sila ay muling bumabangon at naghahanda para sa mas ligtas at mas maayos na kinabukasan.


Kasama rin sa pagbisita ang mga natatanging kababaihan sa ating lalawigan na sina Mayor Ellery Gardiola-Silva ng Mataas na Kahoy, Mayora Elizabeth Morpe, Mayora Carlota Abu, Mrs. Lourdes Santarin, mga kinatawan ng PSWDO at ang ating MSWDO Head, Ma'am Josalyn Cortez, na personal na dumalaw at kumustahin ang mga kababayan nating kasalukuyang nanunuluyan sa nasabing pasilidad. 


Ang pagbisitang ito ay sumasalamin sa patuloy na pagkalinga ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa bawat Agoncillian, saan man sila naroroon, at sa sama-samang pagsusulong ng isang komunidad na may malasakit, pag-asa, at pagmamahal para sa lahat.


#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments