Patuloy na pinalalakas ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang suporta sa edukasyon sa pamamagitan ng pagkakaloob ng tulong-pinansyal at pang-edukasyon sa mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) sa tulong ng Batangas Province Alay Lakad Foundation Inc. na pinapamunuan ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes.
Nakasama din ang ilang mga Out-of-School Youth (OSY) na taga Agoncillo sa pinansyal na tulong ng BPALFI. Nakakasiguro na sila na may tulong pang-aral hanggang sa sila ay makatapos, basta at masusunod ang mga kondisyon kalakip ng tulong na ito.
Layunin ng programang ito na mabigyan ng pagkakataon ang mgq kabataan, lalo na ang mga OSY na maipagpatuloy ang kanilang pag-aaral at maabot ang kanilang mga pangarap.
Ang inisyatibong ito ay patunay ng malasakit ng lokal na pamahalaan at ng Alay Lakad Foundation sa mga kabataang nagsisikap makamit ang mas magandang kinabukasan.
Isinagawa ito sa Samahang Batangueña Building, sa loob ng Kapitolyo, sa Batangas City.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
#alaylakad
0 Comments