Tinanggap ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes at mga kawani ng Tanggapan ng ating Pambayang Kalusugan ang apat na lalagyan ng pambakuna o "Vaccine Carriers" na handog ng Rotary Club of Downtown Lemery.
Bahagi ito ng kanilang programa na Aruga sa Kapwa: Magpabakuna ngayon, Pangmatagalang Proteksyon.
Malaking tulong sa ating lokal na pamahalaan ang mga bagay na ito. Kaya naman tayo ay nagpapasalamat sa lahat ng bumubuo ng Rotary Club of Downtown Lemery.
Mabuhay ang Rotary!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments