Sinimulan kahapon ang Pagsasanay sa Depensibang Pagmamaneho para sa mga driver ng Lokal na Pamahalaan at mga barangay, na ginanap sa G. Brotonel Events Center, Agoncillo, Batangas.
Pinangunahan ito ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office katuwang ang Public Employment Service Office at Technical Education and Skills Development Authority o TESDA, bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng ligtas, responsable, at mahusay na pagmamaneho para sa ating mga kababayan.
Layunin ng pagsasanay na higit pang mapalawak ang kaalaman at kasanayan ng mga kalahok sa depensibang pagmamaneho, wastong pag-iingat sa kalsada, at maagap na pagtugon sa iba’t ibang sitwasyong maaaring maranasan habang ginagampanan ang kanilang tungkulin.
Sa pamamagitan ng mga ganitong programa, patuloy na pinagtitibay ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang kaligtasan ng mga kawani, mga drayber, at higit sa lahat, ng mga mamamayang kanilang pinaglilingkuran.
Matibay ang paniniwala ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, na ang dapat masigurado ang kaligtasan sa bawat biyahe at kaakibat nito pananagutan sa bawat pagmamaneho.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments