Bilang bahagi ng pagdiriwang ng Linggo ng Kabataan 2026, hatid ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo, Batangas, sa pakikipagtulungan ng Land Transportation Office, PESO Agoncillo at Pambayang Pederasyon ng Sangguniang Kabataan, ang LTO Caravan na naglalayong mailapit ang mahahalagang serbisyo ng LTO sa ating mga kababayan.
Kailan: AGOSTO 15, 16 (Theoritical Driving Course) at 17 (LTO CARAVAN) 2026
Saan: G. Brotonel Events Center
Inaanyayahan ang lahat ng mga kwalipikadong aplikante, 16 taong gulang pataas, na samantalahin ang pagkakataong ito. Siguraduhing kumpleto ang mga kinakailangang dokumento upang maging mabilis at maayos ang proseso ng inyong aplikasyon.
Ang LTO Caravan ay bahagi ng patuloy na pagsisikap ng Pamahalaang Bayan na gawing mas accessible, episyente, at abot-kamay ang mga pangunahing serbisyo ng pamahalaan para sa bawat Agoncillian.
LIBRE ANG THEORETICAL DRIVING COURSE, MEDICAL AT STUDENT PERMIT FEE NA LAMANG ANG BABAYARAN.
Magkakaroon din ng Driver's License Renewal at Student's Permit Renewal (2023(Expired)-Present), kaya ano pa ang hinihintay niyo?
TARA NA!
https://docs.google.com/.../1FAIpQLSfws.../viewform...
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments