Ang pangunguna ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Punong Bayan ng Agoncillo, at sa pakikipagtulungan ng mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways (DPWH) DEO 3, sa pamamagitan ng District Engineer Benson Tesnado, isinagawa ang isang mahalagang pagpupulong upang talakayin ang inspeksyon at pagsusuri sa kalagayan ng bawat pampublikong paaralan kasama na ang mga daycare centers sa Bayan ng Agoncillo na isinagawa ngayong araw.
Dahil sa ilang araw na tuloy-tuloy na pag-ulan, at nangyaring lindol, humiling ang ating butihing alkalde ng tulong sa ating DPWH District Engineer, para sa isang magkasanib na pwersa ng mga inhinyero.
Kaagad namang tumugon at nagpadala ng mga inhinyero na binuo sa anim na pangkat kasama ang LGU Engineering Office. Lahat ng pampublikong paaralan sa ating bayan ay binisita at masusing sinuri upang matiyak ang pagiging matibay ng bawat estruktura na nagsisilbing ikalawang tahanan ng ating mga mag-aaral.
Layunin ng hakbang na ito na matukoy ang mga kinakailangang pagkukumpuni, at iba pang intervention upang matiyak ang kaligtasan, katatagan, at kahandaan ng mga pasilidad ng paaralan para sa mga mag-aaral, guro, at kawani.
Isinama na rin sa inspeksyon ang mga pangunahing gusaling pampubliko para maisiguro ang kaligtasan ng ating publikong pinagsisilbihan, pati na rin ng mga lingkod bayan.
Patuloy ang pagtutulungan ng Pamahalaang Bayan at mga katuwang na ahensya gaya ng DPWH upang maagap na matugunan ang anumang posibleng panganib at higit pang mapalakas ang kaligtasan ng buong komunidad.
Maraming salamat po sa mga kawani ng DPWH na naglaan ng kanilang oras at araw upang matulungan ang ating Lokal na Pamahalaan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPublik
0 Comments