Nakiisa ang ating Punongbayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Pangalawang Punongbayan Atty. Remjelljan Humarang, at Puno ng Komite sa Edukasyon, Konsehal Jeffrey Hilario sa unang araw ng palarong pangpaaralan kahapon Agosto 14, 2026 ng umaga.
Ginanap ang pagbubukas sa Plaza Elena para sa Agoncillo Senior High School, na pinamumunuan ng Tagapamanihala, Gng. Ellen Toldanes.
Masayang araw ito para sa lahat, lalo na sa mga mag-aaral. Tunay na ang karunungan at kalakasan ay hindi lamang nananatili sa apat na sulok ng silid-paaralan. Kailangan rin ang isports at iba pang aktibidad para tunay na maging malusog ang isipan.
Kilala rin ang bayan ng Agoncillo bilang pugad ng mga mahuhusay na manlalaro kaya matibay ang ating suporta sa mga programang tulad nito dahil naniniwala tayong ang Tagumpay ng mga atletang Agoncillian, ay tagumpay din ng ating bayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments