KAGAWAD RUFINO “TITO RAFF” A. ENRIQUEZ, NAG-IWAN NG MALAKING PUWANG SA KANYANG PAGLISAN

 


Inihatid ngayon sa huling hantungan si Kagawad Rufino A. Enriquez, na mas lalong kilala sa tawag na “Tito Raff” o “Tito Raffy”, mula sa Sitio Mahabang Gulod, Barangay Barigon.

Hindi napigilan ni Kapitang Magno Humarang ang pagdaloy ng luha habang ginugunita niya ang mahabang taon na kanilang pinagsamahan sa paglilingkod. Gayundin ang iba pa nilang kasamahan sa Sanguniang Barangay.

Tunay na walang sinisino sa maayos na pakikisama ang nawalang Kagawad. Lahat ay inaakay, iginigiya at inaalalayan. Inalala rin ang kanyang pagiging masayahin, husay sa pag-awit, makata, at magaling sa panulat. 

Ang kanyang biglaang paglisan ay nagsisilbing paalala sa ating lahat na maging positibo sa buhay, ipahayag ang pagmamahal at pagpapasalamat habang nandiyan pa ang ating mahal, kaibigan o sinumang naging bahagi ng ating buhay. 

Muli, ang pakikiramay ng lokal na pamahalaan sa pamilyang Alcazar at Enriquez.

Post a Comment

0 Comments