Nagsagawa ng pagbisita ang mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pangunguna ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes, Kapitan Crising Almanzor, DPWH District 3 at Department of Agrarian Reform (DAR) sa natapos na Barangay Bilibinwang Farm-to-Market Road (FMR).
Ang nasabing proyekto ay inaasahang makatutulong sa pagpapadali ng pagbiyahe at paghahatid ng mga produktong agrikultural katulad ng tubo, mais, kamote, at iba pa sa merkado.
Gayundin, pinabubuti nito ang koneksyon at akses ng mga residente sa kanilang mga kabuhayan at pangunahing serbisyo lalo na sa panahon na may sakuna.
Sa panayam sa ilang residente, malaki ang pakinabang sa nasabing proyekto maging sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
Inaasahan ang inagurasyon sa lalong madaling panahon.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments