DAPAT LAGING HANDA: LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO, NAGSAGAWA NG PAGPAPALIKAS SA MGA KABABAYAN 🇵🇭✨

Patuloy ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa pagsasagawa ng mga hakbang para sa kaligtasan ng ating mga kababayan, lalo na sa mga lugar na madalas bahain at may panganib ng pagguho ng lupa.


Sa harap ng banta ng masamng panahon, isinasagawa ang pagpapalikas na pinangunahan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan na kasapi ng Crisis and Disaster Response Team bilang bahagi ng maagap na pagkilos upang maiwasan ang pagkawala ng buhay at maprotektahan ang bawat Agoncillian.


Hinihikayat ang lahat na manatiling alerto, makinig sa mga abiso ng lokal na pamahalaan, at agad na lumikas kapag kinakailangan. Ang kaligtasan ng bawat isa ay ating sama-samang responsibilidad.


#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko 

Post a Comment

0 Comments