Nagsagawa ng pagpupulong ang Local Disaster Risk Reduction and Management (LDRRM) Council ng Bayan ng Agoncillo ngayong Agosto 10, 2026, bilang bahagi ng pagtalakay sa mga naging pinsala at epekto ng dumaang pag-ulan, at pagpapalakas ng mga hakbang para sa kaligtasan ng bawat Agoncillian.
Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang usapin kaugnay ng disaster preparedness, response, koordinasyon ng mga katuwang na tanggapan, at iba pang kinakailangang hakbang upang maging mas maagap at organisado ang bayan sa anumang kalamidad o emergency.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments