Ayon sa mungkahi ng kinatawan ng DPWH 3rd District Engineering Office na si Engr. Christian Mendoza, Inaabisuhan po ang ating mga kababayan at mga motorista na pansamantalang hindi pinadadaanan ang mga “heavy vehicles” na 8-wheeler pataas sa Panhulan–Subic Ibaba Bridge, bilang pag-iingat at upang matiyak ang kaligtasan ng lahat ng gumagamit ng tulay.
Gayunman, para sa mga 8-wheeler pataas na sasakyang may serbisyong kailangang ihatid sa ating mga kapwa Agoncillian, gaya ng pagdedeliver ng patuka ng isda at iba pang mahahalagang suplay, maaari pong magsagawa ng pansamantalang paglilipat o transfer ng mga kargamento/suplay sa kahabaan ng daan sa Brgy. Bangin (National Road).
Hinihiling po ang pang-unawa, pakikiisa at pagsunod ng lahat sa abisong ito. Ang hakbang na ito ay para sa kaligtasan ng ating mga kababayan at upang maiwasan ang posibleng pagkasira o pagguho ng tulay.
Maraming salamat po sa inyong kooperasyon at pakikiisa.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko See less
0 Comments