Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng wastong pamamahala ng basura at sustainable practices, isinagawa ang isang joint project sa waste management na naglalayong bigyang-kaalaman ang mga nagtitinda at stakeholders sa pamilihan tungkol sa tamang pagtatapon at paghihiwalay ng mga basura (waste segregation).
Bahagi ito ng programa ng Philip Morris / Marlboro na "Freedom to Act, Power to Change,” na naglalayong mahikayat ang mga Lokal na Pamahalaan na yakapin at isabuhay ang mga makabuluhan at napapanatiling gawain para sa pangangalaga ng kapaligiran.
Bilang suporta sa programa, magkakaloob din ng mga basurahan para sa pamilihan at sa Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, gayundin ng mga bench na ilalagay sa parking area, Ito ay mga konkretong hakbang tungo sa mas maayos, malinis at organisadong pampublikong lugar.
Ipinagmamalaki ng Bayan ng Agoncillo ang pagiging isa sa mga nangungunang bayan na napili upang maging bahagi ng programang ito. Patunay ito ng ating sama-samang pagsisikap na isulong ang disiplina sa kapaligiran, responsableng pamamahala ng basura, at sustainable practices para sa kapakanan ng kasalukuyan at susunod na henerasyon sa ating Bayan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments