HUSAY SA PAGLILINGKOD AT TUNGKULIN: BAYAN NG AGONCILLO, ISA SA MGA PINARANGALAN SA SANDUGO AWARDS NG LALAWIGAN. 🇵🇭✨

 


Isang karangalan para sa Bayan ng Agoncillo ang pagkilala sa ating bayan bilang isa sa mga pinarangalan sa Sandugo Awards ng Lalawigan ng Batangas, ito ay patunay ng ating patuloy na pagsisikap na maghatid ng serbisyong may malasakit at tunay na nakatutulong sa ating mga kababayan.
Sa pamamagitan ng ating Bloodletting at Blood Assistance Program, marami na tayong natulungang Agoncillian na nangangailangan ng libreng dugo, lalo na sa mga panahong kritikal at nangangailangan ng agarang tulong medikal.
Ang pagkilalang ito ay hindi lamang parangal sa isang programa. Ito ay parangal sa malasakit, bayanihan at sa bawat taong naglaan ng oras upang magbigay ng dugo at makatulong na makapagligtas ng buhay.
Patuloy nating isusulong ang mga programang direktang nakararating at nakatutugon sa pangangailangan ng ating mga kababayan. Dahil sa Magandang Agoncillo, ang bawat serbisyo ay may malasakit.
Pagbati Magandang Agoncillo!
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments