KATUWANG SA MAGANDANG SERBISYO: MOA SIGNING SA PAGITAN NG LOKAL NA PAMAHALAAN, DMW, TESDA, DOLE AT OWWA, ISINAGAWA NGAYONG ARAW. 🇵🇭✨

 


Katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, Department of Migrant Workers (DMW), TESDA, DOLE at OWWA, isinagawa ngayong Agosto 28, 2026 ang Memorandum of Agreement (MOA) Signing na nakatuon sa pagpapalakas ng suporta at serbisyo para sa ating mga Overseas Filipino Workers, kanilang mga pamilya, at mga nagnanais na makapagtrabaho sa ibang bansa.
Sa pamamagitan ng pagtutulungang ito, layunin nating mailapit sa mga Agoncillian na OFW ang mga programa, oportunidad, proteksyon, reintegration assistance, skills training at iba pang serbisyong makatutulong sa kanilang paglalakbay bilang mga manggagawang Pilipino sa ibang bansa.
Hindi lamang pagkakakitaan ang pangingibang-bansa, ito ay sakripisyo, pangarap at pag-asa para sa pamilya. Kaya naman nararapat lamang na ang ating mga modern-day heroes ay magkaroon ng pamahalaang handang umalalay, gumabay at magsilbi sa bawat hakbang.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments