LOKAL NA PAMAHALAAN, NAKIISA SA PAGDIRIWANG NG KAPISTAHAN NG BARANGAY BANGIN

 


Nakiisa ang ating lokal na pamunuan sa pamamagitan nina Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes at Vice Mayor Remjelljan Humarang sa kapistahan sa Barangay Bangin bilang mga panauhin.
Ginanap ang isang pasaya sa Plaza Aquilino Alcazar, sa pangunguna ng Habagat Club 2026, na pinamumunuan ni G. Jerry Balani, at ng Barangay sa pangunguna ni punongbarangay Florencio Alcazar.
Sinabi ni Mayor Cindy na sa pamamagitan ng pagkakaisa at maayos na pagsusunuran ay walang imposible sa barangay. Nagpasalamat rin siya sa patuloy na pagsuporta ng barangay sa mga proyekto at adhikain ng lokal na pamahalaan.
Ipinahayag naman ni Vice Mayor Dandan ang tuloy tuloy na pagsuporta sa grupo at sa barangay.

Post a Comment

0 Comments