HANDA SA BANTA NG MASAMANG PANAHON: LOKAL NA PAMAHALAAN, NAGSAGAWA NG PRE-DISASTER RISK ASSESSMENT UPANG MATIYAK ANG KALIGTASAN AT KAHANDAAN NG ATING BAYAN. 🇵🇭✨

 


Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa mga posibleng epekto ng Southwest Monsoon o Habagat, isinagawa ang Pre-Disaster Risk Assessment (PDRA) ngayong araw upang masuri ang kasalukuyang sitwasyon, matukoy ang mga posibleng panganib, at mapaghandaan ang anumang banta sa kaligtasan ng ating mga mamamayan.

Pinangunahan ang pagpupulong ng ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, katuwang ang mga kinauukulang tanggapan at disaster response teams ng ating bayan.

Sa panahon ng kalamidad, mahalaga ang maagang paghahanda at pagkakaisa. Patuloy ang Lokal na Pamahalaan sa pagbabantay at pag-aksyon upang mapangalagaan ang buhay at kaligtasan ng bawat Agoncillian.

Pinapaalalahanan naman ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes at MDRRMO Head, Sir Junfrance De Villa, ang ating mga kababayan lalo't higit ang mga nasa lugar na may posibilidad na magkaroon ng pagbaha at pagguho ng lupa ay magtungo sa mas ligtas na lugar. Kung kinakailangann lumikas ay ipagbigay alam sa Pamahalaang Barangay na nakakasakop sa kanila upang madala ng Lokal na Pamahalaan sa ating Evacuation Area.

Patuloy po tayong mag-ingat mga kababayan!

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments