BUKAS NA | MGA KABATAAN NA KABILANG SA GAGANAPING PALIGSAHAN NG PAGSULAT AT PAGBIGKAS NG TULA 2026 🇵🇭✨

 


Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026, malugod na ipinakikilala  ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa pamamagitan ng Tanggapan ng Turismo, Kultura at Sining na pinangungunahan ni Ma'am Charlyn Ann Dela Luna ang lahat ng kabataang Agoncillian na lalahok sa Paligsahan ng Pagsulat at Pagbigkas ng Tula.

Isabuhay ang ating pagmamahal sa sariling wika sa pamamagitan ng husay sa pagbigkas, lalim ng mensahe, at malikhaing pagpapahayag. Ito ay pagkakataon upang maipamalas ang talento, mapagyaman ang paggamit ng wikang Filipino, at maging bahagi ng pagsusulong ng ating kultura at pagkakakilanlan bilang mga Pilipino.

🗓️ Agosto 31, 2026 

🕐 1:00 P.M.

📍 Gregorio Brotonel Event Center

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments