TULOY ANG ARAL, TULOY ANG PANGARAP: MGA PAARALAN SA BAYAN NG AGONCILLO, NAGDAOS NG IBA'T IBANG PROGRAMA AT PAMAMARAAN SA PAGKATUTO PARA SA KAHUSAYAN NG MGA MAG-AARAL NA AGONCILLIAN SA KABILA NG PAG-ULAN🇵🇭✨




"Ligtas po ang mga mag-aaral at mga kasama nating kawani sa bawat paaralan"- Dr. Maria Melissa Ariola, Pampurok Tagamasid ng DepEd SMART Agoncillo.

Sa  kabila ng nararanasang pag-ulan, nananatiling tuloy-tuloy ang mga programa at iba’t ibang pamamaraan ng pagkatuto sa mga paaralan sa Bayan ng Agoncillo. Patuloy na nagsisikap ang ating mga guro na maihatid ang dekalidad na edukasyon sa bawat mag-aaral, kasabay ng pagbibigay ng ligtas at maayos na kapaligiran sa kanila.



Ayon kay Dr. Maria Melissa Ariola, Public Schools District Supervisor, naging pagkakataon din ito upang higit na matutukan at magabayan ang mga struggling learners. Samantala, ang ilang paaralan ay matagumpay ring nagsagawa ng kanilang Intramurals alinsunod sa itinakdang School Calendar, na nagbigay ng pagkakataon sa mga mag-aaral na mapaunlad hindi lamang ang kanilang kaalaman kundi maging ang kanilang talento, disiplina, at pakikipagkapwa.


Tiniyak nina Dr. Ariola at ng mga Punong Guro na nananatiling maayos at ligtas ang kalagayan ng mga mag-aaral sa bawat paaralan. Patunay ito na ang ulan ay hindi hadlang sa pagkatuto. Sa halip, sa pamamagitan ng dedikasyon ng ating mga guro, magulang at pakikiisa ng buong komunidad ng edukasyon, patuloy na natututo, umuunlad, at nagiging aktibo ang ating mga kabataan may ulan man o araw.


Maraming Salamat DepEd Agoncillo Sub-Office sa inyong di matatawarang dedikasyon upang makalikha ng mga mag-aaral na mahusay at pinanday ng matibay na kalidad ng edukasyon.


#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments