Sa gitna ng pag-ulan at mga hamon dulot ng masamang panahon, patuloy na nakaalerto at kumikilos ang Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo upang matiyak ang kaligtasan ng ating mga kababayan.
Magkakasama sa pagtugon ang PNP, BFP, PCG, at mga bumubuo sa Crisis and Disaster Response Team, na agad rumesponde sa mga lugar na nangangailangan ng tulong at pagmomonitor. Walang naitalang nasaktan sa nasabing pagbaha.
Kabilang din sa aktibong nakikibahagi sa pagtugon si Kgg. Jessie James Balba, kasama ang iba pang mga katuwang sa disaster response na pinamumunuan ninSir Junfrance De Villa.
Patuloy tayong mag-iingat, makinig sa mga abiso ng mga kinauukulan, at agad na makipag-ugnayan kung nangangailangan ng tulong.
Hindi muna pinapayagang bumyahe ang mga maliliit na sasakyan mula Panhulan hanggang Banyaga sa kadahilanan na mayroon pang baha at mga putik sa ating mga Pangunahing Kalsada.
Handa 24/7 ang mga kinatawan ng Lokal na Pamahalaan. Sama-sama sa pagresponde, para sa kaligtasan ng bawat Agoncillian.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments