PATULOY NA PAGSUPORTA SA KAUNLARAN NG SEKTOR NG AGRIKULTURA SA BAYAN NG AGONCILLO 🇵🇭✨
Dumalo ang ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes sa pagbubukas ng Southern Tagalog Livestock, Poultry and Aqua Congress 2026 na ginanap sa Aquamarine Recreational Center, Lipa City, Batangas ngayong araw.
Kasama rin sa nasabing programa ang kinatawan ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor na si Sir Dhan Martinez, gayundin ang ilan sa ating mga kababayang Agoncillian na nakibahagi sa kongreso upang higit pang mapalawak ang kanilang kaalaman sa mga makabagong teknolohiya, estratehiya, at mga programang makatutulong sa pagpapaunlad ng sektor ng paghahayupan, pagmamanukan, at pangisdaan.
Ang pagdalo sa ganitong mga gawain ay patunay ng patuloy na suporta ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo sa pagpapalakas ng sektor ng agrikultura at sa pagbibigay ng mga oportunidad para sa patuloy na pag-unlad ng ating mga magsasaka, livestock raisers, at fisherfolk.
Naniniwala ang ating minamahal na Punong Bayan na ang Agrikultura ay isa sa susi kung bakit patuloy na yumayabong ang ating bayan at bilang mga kawani at Lingkod Bayan, tungkulin natin na ito ay pagyamanin pa para sa Mas Maunlad na Agoncillo.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments