PAGBASA TUNGO SA KAHUSAYAN: PAGBISITA NG MGA MAG-AARAL AT GURO NG MAHABANG GULOD ELEMENTARY SCHOOL SA ATING PAMBAYANG AKLATAN

 


Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kultura ng pagbabasa at panghabambuhay na pagkatuto, malugod na tinanggap ng Agoncillo Municipal Library sa pangunguna ng ating Librarian Designate, Sir Christian Dave Luya ang mga mag-aaral at guro mula sa Mahabang Gulod Elementary School sa kanilang isinagawang educational visit ngayong araw.

Sa  pagbisita nina Dr. Rich Canela at Ma'am Lenie Tolentino kasama ang mga mag-aaral nagkaroon sila ng pagkakataong masilip ang iba't ibang koleksyon ng mga aklat at mga serbisyong iniaalok ng ating pambayang aklatan. Layunin ng gawaing ito na higit pang mahikayat ang kabataan na linangin ang kanilang kaalaman, palawakin ang kanilang imahinasyon, at paigtingin ang pagmamahal sa pagbabasa.

Patuloy na magsisilbing katuwang ang Agoncillo Municipal Library sa paghubog ng mga kabataang mambabasa at sa pagtataguyod ng isang pamayanang may mataas na pagpapahalaga sa edukasyon at kaalaman.

Isang pasasalamat din sa pamunuan ng Mahabang Gulod Elementary School sa pag-gabay sa ating mga mag-aaral at sa pagmumulat sa kanila sa kahalagahan ng mga aklat at pagbasa. 

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko 

Post a Comment

0 Comments