π—”π—‘π—§π—œ-π—œπ—Ÿπ—Ÿπ—œπ—–π—œπ—§ 𝗧π—₯π—”π——π—˜ π—¦π—˜π— π—œπ—‘π—”π—₯



 Pinalalakas ang Kampanya Laban sa Ilegal na Kalakalan ng Pekeng Sigarilyo


Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng kaayusan at proteksiyon sa mga mamimili, matagumpay na isinagawa ang Anti-Illicit Trade Seminar sa Bayan ng Agoncillo sa pangunguna ng Philippine Tobacco Institute (PTI) sa pakikipagtulungan ng BPLO/PESO sa pangunguna ni Ma'am Mercy Punzalan.

Tinalakay sa seminar ang mahahalagang impormasyon hinggil sa pagbebenta at pagkalat ng mga peke at iligal na sigarilyo, ang mga epekto nito sa kalusugan, ekonomiya, at legal na pananagutan ng sinumang sangkot sa naturang gawain. Layunin din nitong palakasin ang kamalayan ng komunidad upang makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng mga ipinagbabawal na produktong tabako.

Dinaluhan ang aktibidad ng mga Punong Barangay, mga Barangay Functionaries, gayundin ng mga may-ari at nagtitinda sa  iba't ibang barangay ng bayan. Si Atty. Jose Ricardo Crisol at si Sir Solomon Dador ang mga naging tagapagsalita sa nasabing programa.

Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatiba, patuloy na pinagtitibay ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang pakikipagtulungan sa iba't ibang ahensya at sektor upang maisulong ang isang ligtas, responsable, at maayos na komunidad.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko 

Post a Comment

0 Comments