Nagsagawa ng isang coordination meeting ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo kasama si Engr. Teodora Aguirre, Head ng LTO Taal, kaugnay ng panukalang proyekto na naglalayong mabigyan ng sapat na kaalaman at pagsasanay ang mga miyembro ng Tricycle Operators and Drivers Association sa ating bayan upang maging mga first responder sa oras ng mga emergency.
Pinangunahan ang pagpupulong ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang mga kinatawan ng Philippine National Police sa pangunguna ni PMAJ John Glenn Sablan at Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Head, Sir Junfrance De Villa.
Sa pamamagitan ng inisyatiboong ito, inaasahang higit pang mapalalakas ang kakayahan ng ating mga TODA driver na makapagbigay ng maagap na tugon sa mga insidente at sakuna, bilang katuwang ng pamahalaan sa pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng bawat Agoncillian.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments