Bilang bahagi ng pagdiriwang ng National Resilience Month 2026, matagumpay na pinangunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang isinagawang Coastal Cleanup sa Barangay San Teodoro ngayong araw.
Pinangunahan ito ng ating minamahal at masipag na Punong Bayan Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang mga kawani ng Lokal na Pamahalaan, kinatawan ng PNP, BFP, PCG Agoncillo, mga miyembro ng Pamahalaang Barangay ng San Teodoro at mga Volunteers.
Ang gawaing ito ay patunay na ang pangangalaga sa ating kalikasan ay isang sama-samang pananagutan. Isa ang San Teodoro Baywalk sa mga lugar sa ating bayan na maaaring puntahan ng mga turista at mga lokal para sa pagsasagawa ng kanilang ehersisyo o pamamasyal, kaya naman ito ay ating pangalagaan.
Sa pamamagitan ng aktibong pakikilahok ng ating mga kawani, katuwang na mga ahensya, at mga mamamayan, patuloy nating pinangangalagaan ang ating mga baybayin at yamang-tubig upang matiyak ang isang ligtas, malinis, at matatag na pamayanan para sa kasalukuyan at sa mga susunod na henerasyon.
Ang bawat basurang napupulot at bawat hakbang na ating ginagawa para sa kalikasan ay isang mahalagang ambag sa pagbuo ng isang mas handa, mas matatag, at mas responsableng Agoncillo.
Simula ngayon, isang hamon ang ating iiwan sa ating mga kababayan:
"Patuloy nating isabuhay ang Integridad, sa mga simpleng gawain kagaya ng pagtatapon ng basura, piliin natin ang gumawa ng tama kahit walang nakakakita".
AGONCILLIANS, TAYO ANG SOLUSYON!
Samahan niyo po kami, tungo sa isang Mas Malinis at Mas Magandang Agoncillo❤️
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments