Bilang bahagi ng patuloy na pagsusulong ng mas produktibo at makabagong sektor ng agrikultura sa Bayan ng Agoncillo, matagumpay na inilunsad ng Tanggapan ng Pambayang Agrikultor sa pangunguna ni Ma'am Oliva Mirasol ang Farmers Field School on Waxy Corn Production sa Barangay Banyaga ngayong araw, Hulyo 28, 2026.
Layunin ng programang ito na mabigyan ang mga magsasaka ng sapat na kaalaman, makabagong teknolohiya, at praktikal na kasanayan sa wastong produksyon ng waxy corn upang mapataas ang ani, mapabuti ang kalidad ng kanilang produkto, at madagdagan ang kanilang kabuhayan.
Sa pamamagitan ng mga ganitong inisyatibo, patuloy na ipinakikita ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang suporta sa ating mga magsasaka bilang pangunahing katuwang sa pagpapaunlad ng lokal na agrikultura at pagpapatatag ng seguridad sa pagkain ng ating bayan.
Sama-sama nating itaguyod ang isang mas masagana at maunlad na sektor ng agrikultura para sa bawat Agoncillian.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments