Bilang bahagi ng patuloy na pagpapaigting ng kahandaan sa pagtugon sa mga sakuna at iba pang emergency, nagsagawa ang MDRRMO-Agoncillo ng Management of Dead and Missing Persons Training para sa mga kasapi ng Crisis and Disaster Response Team ngayong araw.
Layunin ng pagsasanay na palakasin ang kaalaman at kakayahan ng mga kalahok sa maayos, ligtas, at makataong pamamahala sa mga nasawi at nawawalang indibidwal sa panahon ng kalamidad at iba pang insidente. Patuloy na isinusulong ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pangunguna ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ang mga programang naghahanda sa ating mga responders upang matiyak ang mabilis, organisado, at epektibong pagtugon sa anumang sakuna.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments