Bilang patunay ng kanyang patuloy na paglilingkod hindi lamang sa Bayan ng Agoncillo kundi maging sa buong Lalawigan ng Batangas, detalyadong inilahad ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang kanyang ulat bilang Pangulo ng Girl Scouts of the Philippines– Batangas Council.
Layunin ng pagpupulong na maipresenta ang mga naging programa, proyekto, at mahahalagang inisyatibo ng samahan, gayundin ang pagpapalakas ng mga plano at hakbangin upang higit pang mapaunlad ang scouting movement at ang paghubog sa kabataang Batangueño bilang responsableng mamamayan at mga lider ng kinabukasan.
Patuloy na isinusulong ni Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ang mahusay na pamumuno at makabuluhang pakikipagtulungan sa iba't ibang sektor, bilang bahagi ng kanyang adhikaing makapaghatid ng may kalidad na serbisyo publiko at makapag-ambag sa pag-unlad ng komunidad.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments