Isang taos-pusong pagbati sa ating mga kababayang benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at mga anak ng benepisyaryo na matagumpay na nakapasa sa Licensure Examination for Teachers (LET).
Kanina, kasabay ng isinagawang Flag Raising Ceremony, binigyang-pugay ng Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ang kanilang natatanging tagumpay bilang pagkilala sa kanilang sipag, tiyaga, at determinasyong maabot ang kanilang mga pangarap. Ang kanilang tagumpay ay patunay na ang edukasyon ay isang mabisang daan tungo sa pag-unlad ng bawat indibidwal at ng buong pamayanan.
Pagbati sa inyo mga kababayan:
• Princess Dianne D. Mayuga
• Marilyn U. Altaraz
• Roselyn De Leon
• Rose Ann S. Punzalan
• Mylyn A. Taboquilde
Ang Pamahalaang Bayan ng Agoncillo ay buong pagmamalaking kinikilala ang inyong tagumpay at hangad ang inyong patuloy na pag-unlad sa propesyon ng pagtuturo. Nawa'y magsilbi kayong inspirasyon sa mas marami pang kabataang Agoncillian na patuloy na nagsisikap na makamit ang kanilang mga pangarap.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments