Patuloy na inilalapit ng Lokal na Pamahalaan at LCRO ng Agoncillo ang mga mahahalagang serbisyong pampubliko sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng kasalukuyang isinagawang Mobile Civil Registration System (CRS), PhilSys Registration, at PhilSys Verification sa pakikipagtulungan ng Philippine Statistics Authority sa ating G. Brotonel Events Center ngayong araw.
Sa pangunguna ng ating masipag na LCRO Head, Ms. Karen Olvina, at sa pakikipagtulungan ng PSA, matagumpay na naihatid ang mga serbisyong naglalayong gawing mas mabilis, mas madali, at mas abot-kamay ang pagkuha ng mga dokumentong sibil at pagpaparehistro at beripikasyon sa PhilSys para sa ating mga Agoncillian.
Ang gawaing ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na mapalapit ang dekalidad na serbisyo sa bawat mamamayan at matiyak na walang maiiwan sa pagtanggap ng mahahalagang serbisyo ng pamahalaan.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments