Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng 2026 Philippine Arbor Day, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang Tree Planting Activity sa Agoncillo Eco Park, Brgy. San Jacinto, Agoncillo, Batangas ngayong araw.
Pinangunahan ito ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, kasama ang mga masisipag na kawani ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, mga miyembro PNP, BFP at PCG, Boy Scouts of the Philippines, Girl Scouts of the Philippines, mga guro, Municipal Women's Coordinating Council at mga boluntaryo na nagkaisa para sa iisang layunin, ang pangalagaan ang ating kalikasan at tiyakin ang mas luntian at mas ligtas na kinabukasan para sa susunod na henerasyon.
Ang bawat punong itinanim ay sumisimbolo ng ating pagkakaisa, malasakit, at pananagutan sa Inang Kalikasan. Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos, patuloy nating isinusulong ang pangangalaga sa ating kapaligiran at ang pagtataguyod ng isang mas matatag at mas maunlad na Agoncillo.
Bago magsimula ang pagtatanim, ipinaliwanag ng ating Punong Bayan ang kahalagahan ng Puno sa ating buhay lalo't higit sa ating mundo.
Para sa kanya, ang pagtatanim ng mga Punonay pagtatanim ng pag-asa at ang pagsibol ng mga ito ay pagsibol din ng isang mas magandang bukas para sa ating lahat.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments