3rd Congressional District Meeting





 Mayors ng 3rd Congressional District, District Engineer at District Representative Nagsagawa ng Mahalagang Pagpupulong Para sa mga Proyekto sa Distrito

Nagsama-sama ngayong araw, June 25, 2026 ang mga mayors ng ikatlong distrito, kasama si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ganundin ang mga engineers ng Department of Public Works and Highways (DPWH) 3rd district sa pangunguna ni DIstrict Engineer (DE) Benson Tesnado, at Congressman Atty. King Collantes sa conference room ng DPWH sa Tanauan City, PASU Joseph Pusancho.

Tinalakay ang mga proyektong gagawin ngayong taon at kung paano mapapabilis ang proseso upang maimplement sa lalong madaling panahon. Tinalakay din ang ginagawang circumferential road.

Ayon sa disensyo ng DPWH, dalawang kilometro ang tulay na gagawin sa parte ng Agoncillo. Samantalang inaayos na lamang ang ilang usapin upang magawa na rin ang tulay sa naputol na daan sa Sitio Manalao, Subic Ilaya, pati na ang pagpapaluwang ng kanal sa may tapat ng Seaoil para maiwasan na ang pagbabaha dito. Ibinalita din na patuloy ang pag-declogging ng mga canal bilang parte ng programa kontra baha.

Napag-usapan din ang pondo para maipagpatuloy ang dredging sa Pansipit River upang makadaloy ng maayos ang tubig sa lawa palabas sa Balayan Bay, at mabawasan ang pagtaas ng tubig kapag may bagyo. Mahalaga rin ito para sa natural ba paglabas at pagpasok ng maliputo sa Taal Lake.

Dumalo rin ang ating Municipal Administrator Dr. Noel Mendoza, bilang isang Environmental Planner.

Post a Comment

0 Comments