SEMINAR-WORKSHOP SA STRATEGIC PERFORMANCE MANAGEMENT SYSTEM (SPMS), MATAGUMPAY NA ISINAGAWA SA AGONCILLO



Bilang bahagi ng patuloy na pagpapalakas ng kahusayan sa paghahatid ng serbisyong publiko, matagumpay na isinagawa ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo, sa pakikipagtulungan ng Civil Service Commission, ang One-Day Orientation at Seminar-Workshop sa Strategic Performance Management System (SPMS) ngayong araw na isinagawa sa ating G. Alcantara Session Hall sa pangunguna ng ating HRMO, Ma'am Angelica Anne Leonor.

Naging  tagapagsalita sa nasabing seminar si Ma'am Rowena Cunanan, Field Director ng Civil Service Commission-Batangas na nagbahagi ng mahahalagang kaalaman hinggil sa wastong pagpapatupad ng SPMS. Tinalakay niya ang kahalagahan ng mahusay na performance management bilang pundasyon ng episyente, responsable, at may kalidad na serbisyo sa pamahalaan.

"Kailangan may integridad kayo na kahit walang nakakakita, ginagawa niyo ang tama."Ito ang matibay na salitang binitawan ni Atty. Cinderella Valenton-Reyes habang dumadalo siya ng Seminar. Dagdag pa niya, "Kung may legasiya na gustong iwan bilang lingkod bayan, maging maayos ang character at gawing mas maayos ang serbisyo sa ating mga kababayan."

Layunin ng seminar-workshop na higit pang palalimin ang kaalaman at kakayahan ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan sa pagpaplano, pagsubaybay, at pagsusuri ng kanilang pagganap upang matiyak ang patuloy na pagpapabuti ng mga programa at serbisyong inihahatid sa mamamayan.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments