Bilang bahagi ng patuloy na paghahanda ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo sa banta ng masamang panahon, nagsagawa ng Pre-Disaster Risk Assessment Meeting ngayong Hunyo 30, 2026 upang talakayin ang kasalukuyang lagay ng panahon, mga posibleng epekto nito sa ating bayan, at ang mga kinakailangang hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng bawat Agoncillian.
Pinangunahan ng ating MDRRMO Head ang nasabing pagpupulong na dinaluhan din ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang mga kawani ng PNP, BFP, PIO, MEO, MAO, MSWD at kinatawan ng DepEd Agoncillo.
Patuloy na hinihikayat ang lahat ng mamamayan na maging mapagmatyag, sundin ang mga abiso ng Lokal na Pamahalaan, at makiisa sa mga ipinatutupad na hakbang para sa kaligtasan ng bawat isa.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments