Dahil sa nararanasang Low Pressure Area (LPA) na nagdudulot ng masamang panahon, pinaaalalahanan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang lahat ng mamamayan na manatiling mapagmatyag at maging handa sa mga posibleng epekto nito, tulad ng malalakas na pag-ulan, pagbaha, at pagguho ng lupa.
Sa oras ng emergency, makipag-ugnayan sa mga hotline na nakasaad sa abisong ito.
Manatiling kalmado, maging mapagmatyag, at makiisa sa lahat ng panawagan para sa kaligtasan ng ating komunidad.
#MasMagandangAgoncillian
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments