HANDANG BAYAN, LIGTAS NA MAMAMAYAN: PRE-CONSTRUCTION CONFERENCE PARA SA PANGMATAGALANG SOLUSYON SA PAGBAHA





Patuloy ang pagkilos ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo upang mabigyan ng pangmatagalang solusyon ang suliranin sa pagbaha sa kahabaan ng national road, partikular sa tapat ng Seaoil sa Barangay Panhulan.

Pinangunahan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes, ang isinagawang Pre-Construction Conferencekasama ang mga kinatawan ng Department of Public Works and Highways, Lokal na Pamahalaan, contractor, at Barangay upang tiyakin na maayos, ligtas, at naaayon sa pangangailangan ng komunidad ang ipatutupad na proyekto.

Hindi nagtapos ang talakayan sa loob ng conference room. Sa kabila ng patuloy na pag-ulan, personal na nagtungo sa mismong lugar ang Punong Bayan kasama ang mga kinauukulan upang masuri ang aktwal na kondisyon ng proyekto, matukoy ang mga kinakailangang pagbabago o variations, at masiguro na ang ipatutupad na disenyo ay tunay na makatutugon sa matagal nang suliranin sa pagbaha sa naturang lugar.

Ayon sa mga kinatawan ng proyekto, inaasahang magsisimula na ang mobilization ng contractor sa susunod na linggo, bilang hudyat ng pagsisimula ng implementasyon ng proyektong inaasahang magbibigay ng mas maayos na daloy ng tubig baha at higit na kaligtasan sa mga motorista at mamamayan.

Patunay ito ng dedikasyon ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo na hindi lamang magplano, kundi tiyaking ang bawat proyektong ipinatutupad ay may konkretong epekto sa kapakanan at kaligtasan ng bawat Agoncillian.

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments