𝗠𝗕𝗔-𝗩𝗦𝗥 𝗦𝗔 𝗠𝗔𝗚𝗔𝗡𝗗𝗔𝗡𝗚 𝗕𝗔𝗬𝗔𝗡 𝗡𝗚 𝗔𝗚𝗢𝗡𝗖𝗜𝗟𝗟𝗢

 



Isinagawa ngayong araw, ika-23 ng Hunyo 2026, ang Matatag na Batangas Award for Visionary Leadership towards Sustainable and Resilient Local Government Units (MBA-VSR) Assessment and Validation sa Pamahalaang Bayan ng Agoncillo.

Pinangunahan ni Mayor Cindy Valenton-Reyes, kasama ang mga pinuno ng iba't ibang tanggapan at mga opisyal ng lokal na pamahalaan, ang pagtanggap sa Assessment and Validation Team ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas.

Sa isinagawang presentasyon at pagsusuri, inilahad ng naturang bayan ang mga programa, proyekto, at pinakamahusay na gawi nito sa larangan ng mabuting pamamahala, serbisyong panlipunan, at pagpapaunlad ng komunidad. 

Layunin ng pagtatasa o pagsusuri na kilalanin at higit pang palakasin ang mga inisyatibongg nagtataguyod ng mahusay, matatag, at makabagong pamahalaang lokal para sa kapakinabangan ng bawat mamamayan.

#MatatagNaBatangas

Post a Comment

0 Comments