Dumalo sa Full Council Meeting ng PCAT VAWC para sa ikalawang quarter si Mayor Atty. Cinderella Valenton-Reyes ngayong araw, June 29, 2026.
Bilang pangulo ng Provincial Women Coordinating Council Batangas, Inc. (PWCC), nakiisa si Mayor Cindy sa talakayan ng mahahalagang pagpupulong na may kinalaman sa mga kababaihan at mga kabataan ng lalawigan.
Kasama rin sina Chief of Staff Jun Dijan, PSWDO Ms Ethel Luistro, Provincial Prosecutor Atty. Apple Zapanta, at iba pang miyembro ng konseho.
Sa pagpupulong na ito, nakapag-apruba ng 24 na mga polisiya at mga panukalang batas na ipapasa sa Sangguniang Panlalawigan.
Ginanap ang nasabing meeting sa Samahang Batangueña Building, Capitol Compound, Batangas City.
#PCATVAWC
0 Comments