Dumating ang grupo ng Philippine Tobacco Institute, sa bayan ng Agoncillo upang paigtingin ang kampanya laban sa mga pekeng sigarilyo.
Ayon sa kanilang ulat, base sa pag-aaral bilyong piso ang nawawala sa gobyerno dahil sa mga pekeng sigarilyo na hindi nagbabayad ng buwis. Gayundin, lumabas sa kanilang pagsusuri na kabilang sa mga pekeng sigarilyong ito ang may ihi ng daga at iba pang hindi organikong sangkap dala sa kakulangan ng quality control at maayos na pasilidad, kaya lalong nakakasama sa kalusugan.
Humingi rin sila ng tulong sa ating kapulisan, sa pangunguna ni Hepe PMaj John Glen Sablan, sa ating Market administrator at BPLO Ms Mercy Punzalan para sa pagdadaos ng isang forum sa darating na July.
0 Comments