RHU AGONCILLO KASANGGA MO SA PAG-IWAS SA DENGUE



Ngayong Dengue Awareness Month at dahil panahon na ng tag-ulan, isinagawa ang misting operations at information campaign tungkol sa 4T's Kontra Dengue sa lahat ng paaralan at day care centers sa bayan.

✅ Taob ang mga lalagyan na maaaring pamugaran ng lamok

✅ Taktak ang tubig sa mga imbakan

✅ Tuyo ang mga lugar na maaaring pamahayan ng lamok

✅ Takip sa mga lalagyan ng malinis na tubig

Sama-sama nating panatilihing malinis at ligtas ang ating kapaligiran upang maiwasan ang pagkalat ng dengue at maprotektahan ang kalusugan ng ating mga kabataan

#MasMagandangAgoncillo

#MasMagandangSerbisyoPubliko

Post a Comment

0 Comments