KAAGAPAY SA KABUHAYAN: LOKAL NA PAMAHALAAN NG AGONCILLO, HATID AY PAG-ASA PARA SA ATING MGA KABABAYAN KATUWANG ANG CONDURA

 


Sa patuloy na pagsisikap na maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat Agoncillian, muling pinatunayan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo ang tunay na diwa ng serbisyong may malasakit sa pamamagitan ng pakikipagtulungan sa CONDURA upang maghatid ng mga programang nagbibigay pag-asa at oportunidad sa ating mga kababayan.

Ang inisyatibong ito ay hindi lamang simpleng pamamahagi o proyekto. Ang Condura-Kabuhayan Program o CKap  ay sumasalamin sa matibay na adhikain ng Condura at ng lokal na pamahalaan na maging kaagapay ng bawat mamamayan sa pagbangon, pag-unlad, at pagkamit ng mas maayos na kinabukasan. 

Sa gitna ng mga hamon ng panahon, nananatiling matatag ang ating layunin na walang maiiwan at sama-sama nating mararating ang mas progresibong Agoncillo.

Lubos ang pasasalamat ng Lokal na Pamahalaan sa CONDURA sa kanilang pakikiisa at malasakit sa ating bayan. Ang ganitong uri ng pagtutulungan ay patunay na kapag nagkakaisa ang pribadong sektor at pamahalaan, mas nagiging epektibo ang paghahatid ng tunay na serbisyo publiko.

Bilang tugon ng Lokal na Pamahalaan, nagbahagi tayo ng subsidy sa dalawampu (20) maliliit na negosyante. Ito ay bahagi ng Livelihood Program na pinangunahan ng PESO Agoncillo sa pamumuno ni Ma'am Mercy Punzalan.

Ngayong araw ay pormal na itong naibahagi sa kanila. Naroon ang ating butihing Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza at masisipag na SB Members. Kaagapay nila ang mga kinatawan ng Condura na sina Ms. Janeth Gutierez (Condura Business Development Head) , Ms. Vien De Vera-Arpa (Condura Business Development Manger) at Mr. Cosky Sagmit (Product Consultant). Naroon din ang mga kinatawan ng Mekeni Food Products.

Patuloy tayong hahanap at magdadala ng mga oportunidad para sa ating mga kababayan.

Muli, Maraming salamat Condura! 

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments