Para sa kaalaman ng ating mga minamahal na kababayan:
Nauunawaan po natin ang inyong mga hinaing patungkol sa serbisyo ng Prime Water. Sadya pong napakahalaga ng tubig sa ating pang-araw araw na buhay.
Kaya po sinisiguro ng ating LGU na maiparating ang inyong mga hinaing sa pamunuan ng Prime Water.
Ang Prime Water ay kasalukuyang sumasailalim sa transisyon ng pamunuan at pagmamay-ari, bilang isang pribadong kumpanya.
Ganundin, ayon sa kanilang paliwanag, ang nararanasang matinding init at tagtuyot ay nakaapekto rin sa lebel ng pinagkukunan ng tubig.
Bunga nito, nagkakaroon ng mga suliranin sa operasyon at maintenance na may epekto sa suplay ng tubig sa ilang bahagi ng ating bayan.
Kaya bilang isa sa tugon ay nagdedeliver sila ng tubig sa mga apektadong lugar.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng Lokal na Pamahalaan sa Prime Water upang matiyak ang agarang aksyon at tuloy-tuloy na pagbibigay ng update.
May mga isinasagawang kaukulang hakbang din ang Agoncillo Water District na naka-file na sa Local Water Utilities Administration (LWUA).
Tinitiyak po namin ang aming patuloy na pagbabantay at pakikialam upang mapangalagaan ang kapakanan ng ating mga kababayan.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments