Isang taos-pusong pagbati sa Pamahalaang Barangay ng Bangin sa kanilang pagtanggap ng Certificate of Recognition bilang pagkilala sa kanilang natatanging pagganap at matatag na paninindigan sa kahusayan ng pamamahala sa lokal na antas, sa ilalim ng pamumuno ni Punong Barangay Hon. Florencio DM. Alcazar.
Ang pagkakamit ng mataas na antas ng Functional Rating sa pagpapatupad ng mga programa ng Violence Against Women and Children (VAWC), Barangay Peace and Order Committee, at Barangay Anti-Drug Abuse Committee ay patunay ng kanilang kahusayan at sama-samang pagsisikap sa pagsusulong ng isang ligtas, maayos, at tumutugong pamayanan.
Nawa’y magsilbing inspirasyon ang tagumpay na ito sa patuloy na paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko para sa mamamayan ng Agoncillo.
Muli, pagbati sa pamunuan ng Barangay Bangin.
#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko
0 Comments