PAGKILALA SA MGA NAGWAGI SA MUTYA NG AGONCILLO 2026

 

Isinagawa ngayong umaga ang pagkilala sa mga itinanghal na nagwagi sa Mutya ng Agoncillo ng 2026. Ito ay ginanap kasabay ng ating Flag Raising Ceremony sa bulwagan ng ating Municipal Compound.

Pinangunahan ng ating minamahal na Punong Bayan, Atty. Cinderella Valenton-Reyes kasama ang ating masipag na Pangalawang Punong Bayan, Atty. Remjelljan Humarang, mga kinatawan ng Sangguniang Bayan at ng ating Pambayang Administrador, Dr. Noel Mendoza.

Masayang sinalubong ng mga kawani ng Lokal na Pamahalaan ang ating mga maririrkit na dalaga. Patuloy nating suportahan ang ating mga natatanging Mutya.

Muli, mula sa buong pamunuan ng Lokal na Pamahalaan ng Agoncillo 2026, Pagbati sa mga nagwagi sa katatapos lamang na Mutya ng Agoncillo 2026.

Mabuhay kayong lahat!

Mabuhay ang Bayan ng Magandang Agoncillo.

#MasMagandangAgoncillo
#MasMagandangSerbisyoPubliko


Post a Comment

0 Comments